Tuesday, July 26, 2016

Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino



Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino

Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. 

Kami ay magbibigay ng mga Halimbawa.

Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino
Piyesta 
  
 













 Mahal na araw/ Senakulo













Mamanhikan







Harana

 



 











 Simbang gabi














Flores De mayo















Madalas na Kaugalian

Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Madalas na Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.
Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.



Kapag may sumakabilang-buhay

Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
 – upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.

Iba pang pamahiin:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)


Mga Pambansang Pagdiriwang 

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaongnapakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipinosa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang.Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina atpaaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Eneroipinagdiriwang ang Bagong Taon.Masayang sinasalubong ito bagomaghating-gabi ng Disyembre 31.Masayang sama-samang kumakain atnagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ngmag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sapagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong familyreunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.



 Araw ng Rebolusyong EDSA
Makaysaysayan ang araw na ito.Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Angaraw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan
 
mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipinosa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo atCamp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itongRebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's PowerRevolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.

 

Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan angnagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalongPilipino na lumaban sa mga Hapones noong IkalawangDigmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sabantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingantuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisalaban sa mga dayuhan.




 Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Arawng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mgamanggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod salipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon saating mga pangangailangan. Tumutulong sila upangtayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan,iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Timaura ni Antipas Delotavo, 1991



Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita atipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula saEspaña. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayogni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
 
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwangna ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

 Araw ng mga Bayani
Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwangtuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mgaPilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mgapalatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito angmga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan atkapakanan ng bansa.



 MGA KULTURA AT TRADISYON NG MGA PILIPINO
Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
PAGMAMANO
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.
BAYANIHAN



Ang Kultura sa Pilipinas

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.


“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”

 Mga Kultura sa Pilipinas:
  1. Wika
  2. Paniniwala
  3. Tradisyon o Kauglian
  4. Pagkain
  5. Sining
  6. Kasuotan
  7. Relihiyon

Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.



Sa Pilipinas, ito ang  mga sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:
Filipino: ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog: sinasalita ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga nasa rehiyon sa  CALABARZON AT MIMAROPA. Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: pangunahing wika ng mga taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1 at 2.
Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
 Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon
Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
 Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
 Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
 Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf Samar at Leyte sa Silangang Visayas.


Idaan natin sa Sining

Ang mga Pilipino ay malikhain tao. Sa iba't ibang klase ng sining, makikita ang mga talento ng mga Pilipino.
Sayawan: 
Tinikling
Singkil

Pandanggo sa ilaw

Kanta:
OPM - Original Pilipino/Pinoy Music
Halimbawa:

Laro:
Tumbang-preso

Patintero
Piko


Sipa



Palo-Sebo


Pambansang Kasuotan

Ito ang imahe ng pambansang kauotan ng Pilipinas



Ginawa ni: John Kenneth Millena 
IX-ARGON

15 comments:

  1. maraming salamat po sa blog na ito ,dahil dito marami akong natutunan
    Sakit.info

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat ng marami sa blog nato andami kong natutunan at nakatulong talaga ito sa aking task para sa report namin.

    ReplyDelete
  3. Galing naman dami Kong nalaman salamat talaga
    Thanks sa blog na into

    ReplyDelete
  4. Maraming salamat po sa iyo :> binasa kopo lahat na nakatala, sharekolang, kinakalibutan tuloy ako ng balahibo sa mga pamahiin LOL

    ReplyDelete
  5. Thank you po. God bless po sa atin lahat. 🙏😍

    ReplyDelete
  6. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    ReplyDelete
  7. ltobet
    Good I appreciated your work very thanks

    ReplyDelete