Mga
Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino
Ano nga ba ang “tradisyon o
kaugalian”?
Ito ang mga paniniwala o opinyon na
naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig
sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala
sa mga pamahiin.
Kami ay magbibigay ng mga Halimbawa.
Mga Karaniwang Tradisyon ng mga
Pilipino
Piyesta Mahal na araw/ Senakulo
Mamanhikan
Harana
Simbang gabi
Flores De mayo
Madalas na Kaugalian
Pagmamano – ito’y madalas ginagawa
ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa
nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag
madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang
kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.
Madalas na Paniniwala
Sa Kusina:
Bawal kumanta sa harap ng kalan -
may masamang mangyayari.
Bawal kumanta sa hapag-kainan –
simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring
lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa
araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.
Sa Kasal:
Bawal isukat ang damit pangkasal –
Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago
ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na
lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal –
simbolo ng kaswertehan.
Kapag may sumakabilang-buhay
Bawal matulog sa tabi ng kabaong –
maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring
magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga
bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
– upang hindi sila guluhin ng
namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na
nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol –
bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong –
upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.
Iba pang pamahiin:
Bawal maggupit ng kuko sa gabi –
upang hindi malasin .
“Friday the 13th” –
mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling
araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot
ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang
kanyang damit sa lupa)
Mga
Pambansang Pagdiriwang
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa
buong kapuluan ay yaongnapakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang
bawat isa sa mga Pilipinosa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong
pambansang pagdiriwang.Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok
sa mga opisina atpaaralan ang mga pambasang pagdiriwang.
Tuwing unang araw ng
Eneroipinagdiriwang ang Bagong Taon.Masayang sinasalubong ito
bagomaghating-gabi ng Disyembre 31.Masayang sama-samang kumakain atnagkukuwentuhan
pa ang mga kasapi ngmag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila
nang buong sigla sapagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong familyreunion. Dito
ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
Araw ng Rebolusyong EDSA
Makaysaysayan ang araw na ito.Ipinagdiriwang
ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Angaraw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng
kalayaan ng mga mamamayan
mula sa rehimeng diktador.
Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipinosa EDSA noong Pebrero 22-25,
1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo atCamp Crame. Sinuportahan ito ng mga
mamamayan. Tinawag itongRebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong
People's PowerRevolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng
Pebrero.
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat
sa Bataan angnagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalongPilipino na lumaban
sa mga Hapones noong IkalawangDigmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang
tawag sabantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingantuwing
sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisalaban sa mga dayuhan.
Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang
Arawng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mgamanggagawa dahil sa kanilang mga
paglilingkod salipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon saating mga
pangangailangan. Tumutulong sila upangtayo'y may pagkain araw-araw, maayos na
tirahan,iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Timaura ni Antipas Delotavo, 1991
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon
ginugunita atipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula saEspaƱa.
May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayogni Rizal. Nag-aalay rin
ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang
watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.Marami pang inihahandang programa,
konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwangna ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang
ang okasyong ito.
Araw
ng mga Bayani
Ang Araw ng mga Bayani ay
ipinagdiriwangtuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mgaPilipino ng mga
bulaklak para sa kanila. May mgapalatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito
angmga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan atkapakanan ng bansa.
MGA KULTURA AT TRADISYON NG MGA PILIPINO
Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
PAGMAMANO
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.
BAYANIHAN
Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf
Samar at Leyte sa Silangang Visayas.
Ito ang imahe ng pambansang kauotan ng Pilipinas
MGA KULTURA AT TRADISYON NG MGA PILIPINO
Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
PAGMAMANO
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.
BAYANIHAN
Ang Kultura sa Pilipinas
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o
nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang
mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang
kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga
ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
“Huwag kalimutan
ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”
Mga Kultura sa Pilipinas:
- Wika
- Paniniwala
- Tradisyon o Kauglian
- Pagkain
- Sining
- Kasuotan
- Relihiyon
Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan
sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
Sa Pilipinas, ito ang mga
sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:
Filipino: ay ang pangunahing wikang
sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog
kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog: sinasalita ng mga
naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga
nasa rehiyon sa CALABARZON AT MIMAROPA. Ito
rin ang pangunahing wika ng Pambansang
Punong Rehiyon na
siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: pangunahing wika ng mga
taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1 at 2.
Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng
Pangasinan at ilang bahagi ng
Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon
Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang
Luzon.
Cebuano: Tinatawag ding Bisaya.
Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa
pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
Idaan natin sa Sining
Ang mga Pilipino ay malikhain tao. Sa iba't ibang klase ng sining, makikita ang mga talento ng mga Pilipino.
Sayawan:
Tinikling
Singkil
Pandanggo
sa ilaw
Kanta:
OPM - Original Pilipino/Pinoy Music
Halimbawa:
Laro:
Sipa